Sa Jeep.
Kailan ba hindi naging masikip ang punuang jeep? Kaya nga punuan diba. Sa sobran sikip, nagkaka-palitan na ng mukha ang mga pasahero. Ngunit ano nga ba ang talagang say ng mga pasahero at ng Driver/Baker?
Barker: Galaw-galaw! Kanan-kaliwa, Sampu-an yan!
Pasahero: Wala na ngang upuan eh!!
Barker: Asus naman, ilang beses ko na bang napuno 'tong jeep na 'to? Siyam pa lang yan! Galaw-galaw!
Pasahero: No choice lang kami kaya nagagawa naming magpa-upo pa!
Barker: Eh yun naman pala eh. Ibig sabihin kasya talaga sampu diyan!
Pasahero: Eh hindi naman kami komportable!
Barker: Excuse me pero actually ho kasi ang P7 ay para ho sa gasolina. Libre na po yang upo ninyo.
Pasahero: Sige na, ikaw na magaling.
Driver/Barker = 1, Pasahero = 0
Isang beses sa jeep may lalaking tingin ng tingin saken. Nakakainis kasi parang manyak ung tingin nya!
Hayun pala, katabi ko ang...... boyfriend nya.
Panu ko nalaman?
Pagka-baba ng karamihan sa mga tao saka siya lumipat sa tabi ng boypren nya.
"Hay nako hun, may tumulak saken papunta dun sa kabila kaya di kita nakatabi.. na-miss mo ba ako? hihihi"
Imba man!
Wednesday, August 18, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Whatcha Say?